Posts

Showing posts from October, 2021

Sanayan lang ang pagpatay

1.) Sino ang personang nagsasalita sa tula? Ano ang kanyang sinasabi? Ang personang nagsasalita sa tula ay si (Fr. Albert Alejo, SJ ) Inilahad niya ang ibat ibang paraan upang makapagpatahimik ng tao na isinagawa niya sa butiki. Mararahas na gawain kagaya na lamang ng pagbabalibag ng tsinelas, pilantikin ng lampin, pagdukot ng mata, pagbleyd ng paa, at pagpisa ng itlog sa loob ng tyan. Inilahad niya na ganito lang daw kadali ang pagpatay at higit na nagbibigay sa kniya ng lakas ng loob ay ang habang siyay pumapatay, marami naman ang nanonood 2.) Ano’ng hayop ang pinapaslang sa tula? Paano ito natutulad sa pagpaslang sa tao? Ang hayop na pinapaslang sa tula ay butiki.Ang pag patay ng tao ay hinalintulad sa pag patay ng butiki sabi niya na sa una lang ang mahirap Ikaw'y nangingimi hindi mo masikmura tiradurin o hampasin tulad ng ipis o lamok ngunit itoy natutunan kung ang isang tao ay matiyaga makinig sa may higit na may karanasan nito.  3.) Ano ang ibig sabihin ng huling taludtud n...

"ISANG DIPANG LANGIT"

1. Basahin at suriin ang mensahe ng tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado V.Hernandez. Ito’y dahil sa pagtukoy ng kanyang mga karanasan na kanyang ipinahayag habang nasa loob ng kulungan. Bukod sa lahat, ito ay nagpapakita ng hangarin ng pagkalaya. - Suriin kung anong uri ng tula? Anong Teoryang pampanitikan ang angkop gamitin sa pagsusuri?  Elihiya sapagkat nagpapakita ito ng matinding kalungkotan. Teoryang realismo sapagkat ang mga ginamit sa tula ay ang katotohan. -Anong taglay na diwa/tema ang inilalarawan ng persona sa tula. -Karanasan ng mga kinukulong    -Pianagdadaanan ng mga bilanggo sa araw-araw  -Matutong ipaglaban ang iyong karapatan - Piliin ang pinakamagandang saknong na iyong nagustuhan at bigyan kung bakit mo ito napili. At bukas, diyan din, aking matatanaw sa sandipang langit na wala nang luha,sisikat ang gintong araw ng tagumpay…layang sasalubong ako sa paglaya!” Ang ika-sampu o pinakahuling saknong ng tula ang aking napinili dahil, ipinapakit...

ISKWATER

Image
1.) Ano ang sentral na paksa ng sanaysay? Ang hindi pantay- pantay na sistema at kawalan ng tirahan na magdudulot mg kahirapan sa iskwater. 2.)  Mayroon bang paksa na ‘di tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng halimbawa. Ang hindi pantay-pantay sa pagiging mahirap at mayaman. Ang mayaman pwedeng gawin lahat sa mahirap ngunit ang mahirap ay hindi. 3.) Ano ang layuninng may-akda sa pagtalakay sa paksa?Ipaliwanag Ang pinaka layunin na may akda sa pagtatalakay sa paksa na to ay upang lubusang maintindihan ng tao kung ano ang sitwasyon sa iskwater at kung ano mga problema na kinakahirap nila sa buhay kung paano nila nalalagpasan ito. 4.) Ano-anong mga ideya ang sinasang-ayunan mo sa sanaysay? Bakit? Ano-ano naman ang mga hindi mo sinasang-ayunan? Bakit? Ang Sinasang-ayunan ko na Sanaysay ay ang pagkaroon ng sariling bahay at hindi ko sinasang-ayunan ay ang mga pangayo ng gobyerno na lupa na hindi naman tinutupad. 5.) Paano ka nakakaugnay sa mga kaisipang nakalahad sa teksto? Ipaliwan...