ISKWATER
1.) Ano ang sentral na paksa ng sanaysay?
Ang hindi pantay- pantay na sistema at kawalan ng tirahan na magdudulot mg kahirapan sa iskwater.
2.) Mayroon bang paksa na ‘di tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng halimbawa.
Ang hindi pantay-pantay sa pagiging mahirap at mayaman. Ang mayaman pwedeng gawin lahat sa mahirap ngunit ang mahirap ay hindi.
3.) Ano ang layuninng may-akda sa pagtalakay sa paksa?Ipaliwanag
Ang pinaka layunin na may akda sa pagtatalakay sa paksa na to ay upang lubusang maintindihan ng tao kung ano ang sitwasyon sa iskwater at kung ano mga problema na kinakahirap nila sa buhay kung paano nila nalalagpasan ito.
4.) Ano-anong mga ideya ang sinasang-ayunan mo sa sanaysay? Bakit? Ano-ano naman ang mga hindi mo sinasang-ayunan? Bakit?
Ang Sinasang-ayunan ko na Sanaysay ay ang pagkaroon ng sariling bahay at hindi ko sinasang-ayunan ay ang mga pangayo ng gobyerno na lupa na hindi naman tinutupad.
5.) Paano ka nakakaugnay sa mga kaisipang nakalahad sa teksto? Ipaliwanag.
Nakakaugnay ako sa mga kaisipang nalalahad sa teksto sa ideyang gagawin ang lahat para mabuhay na kagaya ng mga iskwater na lahat kayang upang mabuhay at hindi hadlang ang kahirapan upang mabuhay.
6.) Gaano kahalaga ang pagtalakay ng sanaysay sa paglilinaw sa konsepto ng iskwater? Nabago ba nito ang pananaw mo sa kahulugan ng iskwater? Ipaliwanag.
Ang iskwater ay isang salita na may kaakibat na maraming kahulugan, kwento at karanasan ng bawat mamamayang Pilipino. Mahalagang maintindihan at malaman kung ano nga ba ang dahilan kung bakit naging ganun ang kanilang pamumuhay, isang magandang basahin ang sanaysay na aking binasa sapagkat higit kong naiintindihan ang mga dahilan kung bakit ganun ang kanilang sitwasyon at bakit ang ganun rin ang kanilang pamumuhay. Sa pamamagitan ng sanaysay na aking binasa ay naiintindihan ko na lahat ng nasa iskwater ay hinde masama at walang alam sa buhay at tao rin pala sila na tulad natin na may gustong marating sa buhay at makaahon sa kahirapan. Naiintindihan ko sila kung bakit rin nila pinaglalaban ang kanilang tahanan na nakatayo sa lupaing hindi nila pagmamay-ari dahil iyon na lang ang natatanging pag-asa nila upang sila'y magpatuloy sa kanilang buhay at upang may matirahan ang kanila-kanilang pamilya.
7.) Paano maiuugnay ang teksto sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan?
Ipaliwanag.
Maiiugnay ko ang teksto sa realidad sapagkat sa ating panahon ang sistema ng gobyerno ay hindi talaga patas at ang mga mahirap ay palaging mali at ang mayaman ay palaging tama at lalo na ang gobyerno na na lahat ng pangako ay nasabi ngunit hindi naman tinutupad.
Mungkahing Gawain
1.) Gawan ng concept map ang salitang iskwater sa loob ng kahon.
Comments
Post a Comment